Nakarekober ang mga otoridad ng P8.1-M halaga ng fossilized giant clam shells o mas kilala sa tawag na taklobo o manlet, sa Balabac, Palawan.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), mahigit 300 piraso ng higanteng taklobo ang narekober noong Feb. 14 at itinurn-over sa local government unit para sa pansamantalang pangangalaga at iba pang mga kinakailangang hakbang.
Sa ilalim ng Republic Act no. 10654 o Philippine Fisheries Code of 1998, mahigpit na ipinagbabawal ang paghango sa mga endangered giant clams.
Sinabi ng PCG na ang mga mapatutunayang lumabag ay may parusang multa na hanggang P3-M at kulong na hanggang walong taon.