dzme1530.ph

Mga hakbang kontra human trafficking ng OFWs, pag-iibayuhin ng DMW

Paiigtingin ng Department of Migrant Workers ang kanilang mga hakbang laban sa human trafficking na kinasasangkutan ng Overseas Filipino Workers.

Nangako si DMW Secretary Susan Ople na makikipagtulungan sila sa Department of Justice at sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan, sa isinagawang pulong ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), kasama si Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang.

Sinabi ni Ople na tinutulungan ng ahensya ang mga biktima ng Crypto-currency syndicates sa paghahain ng human trafficking cases.

Aniya, 11 kaso ng Trafficking in Persons ang naihain na habang apat pa ang nakatakdang isampa sa susunod na dalawang linggo.

Inihayag ng Kalihim na isa sa mga akusado sa Crypto-Currency Scam na nambiktima ng mga OFW sa Cambodia ay naaresto noong March 7 sa San Fernando, Pampanga.

Minomonitor din ng DMW ang reports ng human trafficking na kinasasangkutan ng mga OFW sa Poland patungo sa ibang bahagi ng Europe, na nakararanas ng mahabang oras sa pagtatrabaho, mababang suweldo, at hindi ligtas na work conditions.

About The Author