Inilatag ng Private Sector Advisory Council-Healthcare Sector Group (PSAC-HSG) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga hakbang at rekomendasyon sa pagpapatatag ng Healthcare System sa bansa.
Sa meeting sa malakanyang, tinalakay ang Clinical Care Associates Program kung saan naglaan ng pondo ang Commission on Higher Education (CHED) para sa Board reviews ng 1,000 Clinical Care Associates, gayundin ang Enhanced Master’s Nursing Program para sa pag-develop ng nurses bilang Faculty members at ang Memorandum of Understanding sa bansang Austria para sa pagbibigay ng scholarships, faculty support, at iba pa.
Isinulong din ang Drug accessibility kabilang ang produksyon ng Local drug manufacturers ng mga gamot laban sa Tuberculosis (TB) at Human Immunodeficiency Virus (HIV) habang pinuri rin nito ang mga inisyatibo ng Food and Drug Administration (FDA) sa digitalization, policy enhancements, at drug accreditations.
Iprinisenta rin ang Local Drug Development and Innovation sa pamamagitan ng paghikayat sa imbensyon at development ng mga lokal na gamot at bakuna.