dzme1530.ph

Mga guro, dapat may sapat na suporta sa balak na make-up classes para makabawi sa mga suspensyon sa klase

Loading

Kailangang may sapat na suporta ang mga guro sa pagpapatupad ng make-up classes sa mga araw na hindi nakapasok ang mga estudyante dahil sa matinding pag-ulan at pagbaha.

Ito ang pinatitiyak ni Sen. Sherwin Gatchalian kasunod ng pahayag ng Department of Education na posibleng magpatupad ng make-up classes upang makabawi sa learning loss dulot ng class suspensions.

Binigyang-diin ni Gatchalian na kung kailangan ang make-up classes para makarekober ang mga estudyante sa mga aralin, hindi dapat pabigatin ang mga guro.

Kailangan aniya ng mga guro ng sapat na teaching materials, malinaw na guidance, at proteksyon mula sa dagdag na trabaho.

Giit ng senador, hindi magtatagumpay ang learning recovery kung pagod at kulang sa suporta ang mga guro.

 

About The Author