Mariing tinutulan ng Commission on Human Rights (CHR) ang ginawang pagpatay ng New People’s Army (NPA) sa isang magsasaka at karpentero sa Negros Islands.
Ayon sa pahayag ng CHR, ang ginawang ito ng NPA ay paglabag sa “right to life”.
Nabatid na umamin ang mga miyembro ng Leonardo Panaligan Command ng NPA Central Negros Guerilla Front sa pagpatay sa magsasakang si Danilo Bedaja at karpentero na si Armando Babor.
Sinabi ng tagapagsalita ng Leonardo Panaligan Command, na kaya pinatay ang magsasaka dahil sangkot ito sa mga pagnanakaw at land-grabbing activities.
Habang ang pagpatay naman sa karpentero ay dahil isa umano itong intelligence asset ng mga militar.
Iginiit ng CHR, na trabaho ng batas na panagutin ang sinumang nakagawa ng krimen at dapat parusahan ang nagkasala. —sa panulat ni Jam Tarrayo