dzme1530.ph

Mga finalist para sa Kareem Abdul-Jabbar Award, pinangalanan na ng NBA

Kabilang si Golden State Warriors All-Star Stephen Curry sa limang finalists para sa 2022-2023 Kareem Abdul-Jabar Social Justice Champion Award.

Ang iba pang finalists ay sina Jaren Jackson Jr. ng Memphis Grizzlies, Tre Jones ng San Antonio Spurs, Chris Paul ng Phoenix Suns, at Grant Williams ng Boston Celtics.

Ayon sa NBA, pinili ang limang manlalaro batay sa kanilang trabaho bilang social justice advocates, at ipinagpapatuloy ang legasiya ng NBA legend na si Abdul Jabbar.

Iaanunsyo sa NBA conference finals ang winner na makatatanggap ng 100,000-dollar donation mula sa nba para sa pinili nitong Social Justice Organization.

Ang apat na finalists naman ay makatatanggap ng tig-25,000 dollars na contribution para sa pinili nilang organisasyon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author