dzme1530.ph

Mga Filipino scientist sa Pag-asa Island, sugatan sa pangha-harass ng Chinese helicopter

Isang team ng Filipino scientists at researchers na nagsasagawa ng Marine Resource Assessment sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea ang hinarass ng isang Chinese helicopter.

Sa video na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), isang helicopter ng China na may tail no. 57 ang nagtagal ibabaw ng Sandy Cay 3 at 4, at binabantayan ang aktibidad ng research team mula sa BFAR, UP Institute of Biology, at National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI), noong Sabado.

Natakot ang researchers nang bumaba ang lipad ng helicopter ng hanggang 50 talampakan mula sa ground, sa loob ng 10 minuto.

Ilan sa mga scientist at BFAR crew ang nagtamo ng mga sugat at gasgas bunsod ng malakas na hangin at debris.

Isang crew din ng BFAR na nagmamando ng underwater drone ang halos malunod nang hindi agad ito nakaahon dahil sa malakas na hangin na dulot ng helicopter.

Dahil sa naturang insidente, ni-recall ng mission commander ang research team.

About The Author