Nagbaba ang Philippine National Police (PNP) ng batas at ordinansa para arestuhin ang mga estudyante na mahuhuling maninigarilyo at magbi-vape sa mga pampublikong lugar.
Ayon kay PNP Chief Information Officer Col. Redrico Maranan, ito ay mahigpit na ipatutupad ng pulisya para masiguro ang pagpapairal ng disiplina lalo na sa mga mag-aaral.
Ani Maranan, alinsunod na rin ito sa Anti-Smoking Ordinance ng LGUs na may kinalaman sa peace and order sa community.
Inanunsyo din ni Maranan ang pagkasa ng “Oplan Bisita Eskwela” na mag-oobliga sa kapulisan na magpunta sa mga komunidad at mga paaralan para matiyak ang sapat na police visibility.
Dagdag pa ng police official na makakatulong ito para matuldukan na ang mga krimen na nangyayare sa mga eskwelahan gaya ng hazing at fraternity rumbles. —sa panulat ni Jam Tarrayo