dzme1530.ph

Mga empleyado ng DepEd, makatatanggap ng P3,000 anniversary bonus

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na mahigit 958,000 teaching at non-teaching staff ang makatatanggap ng P3,000 bonus bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang 125th founding anniversary.

Nakasaad sa nilagdaang order ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na ang mga makatatanggap ng bonus ay ang mga nakapag-serbisyo na ng isang taon sa ahensya, kasabay ng petsa ng milestone year.

Ang milestone years ay inilarawan bilang 15th anniversary ng government agency, at kada limang taon na kasunod nito.

Sinabi ng DepEd na ang pagbibigay ng anniversary bonus ay hindi dapat mas maaga ng June 23 ng milestone year. Itinatag ang ahensya noong June 23, 1898. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author