dzme1530.ph

Mga empleyado, dapat bigyan ng libreng financial education

Nais ni Sen. Jinggoy Estrada na matulungan ang mga manggagawa at bigyan sila ng libreng edukasyon sa pananalapi.

Isinusulong ng Chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development ang proposed Personal Finance Education in the Workplace Act o ang Senate Bill No. 2630.

Iginiit ni Estrada na makakatulong ang panukala sa mga manggagawa dahil mabibigyan sila ng sapat na kaalaman at kasanayan sa tamang paghawak ng kanilang kita at ipon lalo na ang pagiging financial stable.

Sa ilalim ng SB 2630, kinakailangan na magbigay ng personal finance education program ang mga employer para sa lahat ng kanilang manggagawa.

Kasama sa mga ituturo ang mga konsepto ng behavioral finance, savings, emergency and resilience fund development, debt management, investment, insurance and retirement planning at iba pang kaugnay na personal finance programs.

About The Author