dzme1530.ph

Mga electric cooperative, pinaghahanda sa harap ng banta ng Bagyong #EgayPH 

Pinaghahanda ng National Eletrification Administration (NEA) ang mga electric cooperative (EC) sa pagdating ng Bagyong Egay. 

Sa abiso ng NEA, dapat mag-implementa ng contigency measures ang mga apektadong EC para maibsan ang epekto ng sama ng panahon.

Inatasan rin ng ahensya ang mga EC na i-activate ang kanilang emergency response organizations kung kinakailangan.  

Batay sa huling ulat ng PAGASA, namataan ang Bagyong Egay sa layong 815 kilometro sa silangan timog silangan ng Luzon. —sa panulat ni Airiam Sancho 

About The Author