dzme1530.ph

Mga driver na nag-expire ang lisensya noong April hanggang August 2023, hinimok na magrenew

Hinikayat ng Land Transportation Office ang mga driver na nag-expire ang lisensya noong April hanggang August 2023, na mag-apply na ng renewal dahil available na ang mga plastic card.

Ayon kay LTO head Vigor Mendoza II, tanging ang mga motorista na may pasong lisensya sa nasabing panahon ang maaaring mag-claim ng plastic cards, dahil sapat lamang ang suplay nito para sa kanila.

Una nang sinabi ng ahensya na as of March 2024, umabot sa 4.1 million na plastic cards para sa driver’s license ang kanilang backlog.

Nasa 1.6 million mula sa 3.2 million lamang kasi ang nasuplay na plastic cards sa LTO, kaya hindi kayang sakupin ang kabuuang bilang ng backlog.

About The Author