Naniniwala si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na nagsisilbi nang bagman o legman ng malalaking contractors ang ilang district engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi ni Lacson na napatunayan ito sa kaso ni District Engineer Abelardo Calallo ng First Engineering District sa Batangas na inaresto matapos umanong mag-alok ng suhol.
Sabi ni Lacson na hindi normal na mismong D-E gaya ni Calallo ang nag-aalok ng suhol kundi ito ay mula sa contractor.
Kakaiba ang nangyari sa Batangas dahil mismong iyong D-E ang lumapit kay Rep. Leandro Leviste.
Dahil nasa ₱3.6-B ang sinasabing flood control project sa nasabing distrito kaya mataas ang napaulat na alok na ₱360 milyon.
Ikinatuwa ni Lacson ang naging paninindigan ni Leviste at pinayuhan na niya ang kaniyang nanay na si Sen. Loren Legarda na tiyakin ang seguridad ng anak dahil hindi maaaring balewalain ang kasamaan at bilyones ang pinag-uusapang pondo.