dzme1530.ph

Mga digital bank, hindi pa kumikita, ayon sa BSP

Hindi pa kumikita ang halos lahat ng digital banks sa pamamagitan ng moratorium sa mga bagong lisensya na nakatakdang mapaso ngayong taon.

Ito ang inihayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr. kung saan, mula sa anim na digital banks sa bansa, dalawa lamang dito ang nakikitang profitable.

Hindi naman tinukoy ni Central Bank Dir. Melchor Plabasan ang nasabing mga bangko, pero tinatayang kikita ito sa loob ng lima hanggang pitong taon.

Nabatid na anim na bangko ang nabigyan ng guidelines para magtatag ng digital banks noong 2020, kabilang ang UNO Digital Bank, TONIK Digital Bank, UNIONDIGITAL Bank, Overseas Filipino Bank, Maya Bank at GOTYME Bank.

About The Author