Kung anuman ang kahinatnan ng mga pagtalakay sa Resolution of Both Houses no. 6, maimumulat ng mga argumento ang taumbayan sa pros and cons ng pag-aalis ng restrictive provisions sa Saligang Batas.
Ito ang binigyang-diin ni Senate Subcommittee on Constitutional Amendments and Revision of Codes Chairman Sonny Angara sa gitna ng patuloy na pagtalakay sa economic cha-cha bill.
Sinabi ni Angara na long overdue nang maituturong ang pagsasagawa ng serious at focused discussion sa economic provisions ng 1987 Constitution na dapat ding maiharap sa taumbayan upang kanilang lubos na maunawaan.
Ipinaliwanag ng senador na sa mga nakalipas na pag-aaral, nakatutok sa pulitikal na probisyon ang mga pagtalakay partikular ang parliamentary system at hindi pa napag-uusapan ang economic provisions.
Ang pakay anya ng mga pagdinig ay magkaroon ng collective dialogue sa bansa upang marinig din ang boses ng bawat sektor.
Una na ring nanindigan si Angara na mas practical na magkaroon ng malinaw na mga regulasyon sa foreign investments sa pamamagian ng regular laws sa halip na ilagay sa konstitusyon.