Ipina-recall ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang libu-libong de latang tuna na ipinadala para sa mga residenteng naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Ito ay matapos mag-reklamo ang ilang residente kaugnay ng kakaibang lasa ng mga de lata, kabilang ang umanoy sobrang alat na tuna.
Inatasan na ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang kanilang central office na makipag-ugnayan sa supplier ng canned goods, at pag-aralan ang gagawing aksyon ng ahensya.
Sa kabila nito, tiniyak ng DSWD na hindi pa expired ang mga ipinamahaging de lata.
Siniguro rin ng kagawaran na papalitan nila ang lahat ng ipinabawing canned goods. —sa ulat ni Harley Valbuena