dzme1530.ph

MGA DAYUHANG NAAPEKTUHAN NG GULO SA MIDDLE EAST, PINAYAGANG MANATILI SA BANSA HANGGANG SA ABRIL

Loading

Pinayagan ng Pilipinas ang visa extension ng mga dayuhang naapektuhan ng mass cancellation ng outbound flights sa gitna ng kaguluhan sa Middle East.

 

Kasunod ito ng paglalabas ng kautusan ng Department of Justice (DOJ) na nag-aatas sa Bureau of Immigration na payagang manatili sa bansa hanggang sa Abril ang mga banyaga na expired na ang visa, nang walang anumang babayaran.

 

Lumawak ang tensyon sa Middle East na nagsimula noong nakaraang linggo, kasunod ng joint military operations na inilunsad ng Amerika at Israel laban sa Iran.

 

Dahil sa safety concerns at airspace restrictions, ilang airline companies ang nag-anunsyo ng flight cancellations patungo at palabas ng rehiyon.

About The Author