dzme1530.ph

Mga dayuhang menor de edad na bumibiyahe sa PH na hindi kasama ang magulang ay maaaring ng magbayad via BI online portal

Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) na ang mga bumabiyaheng dayuhang menor de edad o 15 anyos pababa na walang kasamang magulang at walang pahintulot ay dapat kumuha ng aplikasyon at magbayad para sa Waiver of Exclusion Ground (WEG) na maaaring ma-access sa online payment portal ng ahensya.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na ma-institutionalize ang mga walang papel na transaksyon sa bureau, bawasan ang red tape, at maghatid ng mas mahusay at mas mabilis na serbisyo sa publiko.

Sa ilalim rin ng Seksyon 29(a)(12) ng Philippine Immigration Act, maaari lamang payagang makapasok sa bansa kahit na walang kasama magulang, kung sila ay nabigyan ng WEG ng BI na may kalakip na bayad na aabot sa P3,120.

Nakasaad rin sa BI operations circular na nilagdaan ni Tansingco noong Mayo 25, na ang mga aplikante ay dapat mag-file ng kanilang WEG application sa loob ng 72 oras mula sa nakatakdang pagdating ng menor de edad sa pamamagitan ng pag-log in sa online portal ng BI sa e-services.immigration.gov.ph.

Dapat ring punan ang WEG application e-form at mag-upload ng malinaw na digital o scanned na kopya ng mga kinakailangan dokumento, at iba pa.

Ang BI ang magpoproseso at magsusuri ng aplikasyon at maglalabas ng pag-apruba nito sa pamamagitan ng nasabing email address sa loob ng 24 na oras mula sa pagtanggap ng aplikasyon. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author