dzme1530.ph

Mga dapat gawin upang maka-iwas sa sakit na laganap tuwing tag-ulan, alamin!  

Madalas na tumataas ang kaso ng waterborne disease, influenza, leptospirosi, at dengue o wild diseases tuwing tag-ulan.  

Para maiwasan ang mga ganitong uri ng sakit, dapat ugaliin ang ilang gawain gaya ng tamang pagtatapon ng basura at paglilinis ng kapaligiran, lalo na sa mga lugar na madalas pamahayan ng lamok at daga.  

Sa sandaling magkaroon ng baha, dapat magsuot ng bota at iwasang magtampisaw sa tubig-baha upang hindi maka-inom ng kontaminadong tubig.  

Mainam ding gawin ang 5s strategy tulad ng search and destroy mosquito breeding sites; self-protection sa pamamagutan ng paggamit ng repellants; seek early consultation sa pinakamalapit na healthcare facility; support fogging, spraying at misting sa mga tukoy na dengue hotspot areas; at sustain hydration. –sa panulat ni Airiam Sancho 

About The Author