dzme1530.ph

Mga dapat gawin ng gobyerno para mamayagpag ang PH athletes, itatanong kay double Olympic gold medalist Carlos Yulo

Kakausapin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Pinoy gymnast at double Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, upang tanungin kung ano ang dapat gawin ng pamahalaan para mas marami pang Pinoy ang magwagi ng medalya sa Olympics.

Sa ambush interview sa Pampanga, inihayag ng Pangulo na dahil may ₱20M nang pabuya si Yulo mula sa gobyerno sa ilalim ng batas, maaaring hindi na ito hihiling pa ng karagdagang insentibo.

Kaya’t sa halip umano ay aalamin na lamang niya kung papaano pang makatutulong ang pamahalaan para mamayagpag ang iba pang atletang Pilipino.

Sinabi ng Pangulo na itatanong niya kung may dapat baguhin sa Sports organizations ng gobyerno, at kung kailangan pa nito ng pondo.

Samantala, naniniwala rin si Marcos na malayo pa ang mararating ni Yulo dahil ngayon ay nakita na ang tunay nitong kakayanan.

About The Author