dzme1530.ph

Mga dapat gawin kapag na-expose sa ammonia, alamin!

Delikado sa kalusugan ang ammonia leak dahil maaari itong magdulot ng hirap sa paghinga at maaaring ikamatay pa ng mga taong nakalanghap.

Subalit, ano nga ba ang dapat gawin kapag may emergency na tulad nito?

Ayon sa Department of Health (DOH), ang mga taong nakalanghap ng ammonia ay maaaring makaranas ng pagsakit at pamumula ng mata, pananakit ng tiyan at dibdib.

Kung may long-exposure sa ammonia, posible itong magdulot ng pinsala sa baga, bronchitis, pneumonia, kakulangan sa oxygen sa katawan, at pagkamatay.

Sakaling ma-expose sa ammonia, narito ang ilang bagay na dapat gawin:

Una, alisin agad ang suot na damit na na-expose.

Pangalawa, hugasan ang mata at balat sa loob ng 15 minuto gamit ang sabon at malinis na tubig.

At pangatlo, kung nahihirapang huminga, tiyaking may supplemental oxygen o pumunta na sa pagamutan.

Ipinapayo naman ng mga eksperto na sa tuwing may emergency tulad ng ammonia leak, ay huwag magpanic at dapat alamin ang mga gagawin. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author