![]()
Nakakaranas ka ba ng eyelid twitching o ang biglang paggalaw ng talukap ng mata?
Ito ang tinatawag na myokymia na harmless naman subalit senyales ito ng sobrang pagod, stressed o over caffeinated.
Posible rin itong dahil sa dry eyes o imbalance ang electrolyte sa katawan tulad ng magnesium at potassium
Narito ang mga dapat gawin kapag nakakaranas nito.
Dapat magkaroon ng sapat o nasa pito hanggang siyam na oras na tulog.
Gawin din ang tinatawag na 20-20-20 technique o kada 20 minutes ay tumingin 20 feet away sa loob ng 20 seconds.
Makatutulong ito lalo na sa mga madalas na nakaharap sa computer o gadgets.
Mag-hydrate o uminom ng dalawa hanggang tatlong litro ng tubig kada araw.
Iwasan din ang labis na pag kakape, dapat limitahan lamang ito sa isa hanggang dalawang cups kada araw.
At kumain ng mga magnesium-enriched food tulad ng saging, spinach at almonds.
Kung matagal ng nararanasan ang eyelid twitching mas makabubuting kumonsulta na sa doktor.
