Ang pananakit ng ulo ay dulot ng pamamaga ng blood vessels.
Wala itong pinipiling tao at oras at maaaring mangyari habang nagtatrabaho, nag-aaral o nagpapahinga.
Narito ang ilang dapat na gawin upang maiwasan ang pag-atake ng pananakit ng ulo.
Una, iwasan ang labis na pag-inom ng alak na nagdudulot ng hangover na nagreresulta sa matinding sakit ng ulo, panghihina, pagkahilo, at pagsusuka.
Pangalawa, iwasang malipasan ng gutom dahil karaniwang sanhi ng migraine ang pagtaas ng blood sugar level sa katawan at nangyayari ito kapag hindi wasto at wala sa tamang oras ang pagkain,
Panghuli, ayusin ang oras ng pagtulog dahil ang kakulangan at iregular na oras ng pagtulog ay naka-aapekto sa protein levels ng katawan kaya nagdudulot ito ng pananakit ng ulo.