Ang kawalan ng tulog ay nakapagpapataas ng hunger hormone na kung tawagin ay leptin.
Sa isinagawang pag-aaral ng University of Chicago, isa sa mga dahilan kung bakit hindi mapigilan ang food cravings ay ang pagkain ng almusal na mababa ang protina.
Inilathala rin ng American Journal of Clinical Nutrition na ang pagkain ng high-protein breakfast ay nakapagpapabawas ng signal sa ating utak na maghanap ng pagkain.
Ipinaalala naman ng mga eksperto na sa tuwing nakararamdam ng gutom, posibleng senyales din ito na nauuhaw ang isang tao, kaya naman ipinapayo na uminom ng tubig at maghintay ng ilang minuto dahil maaaring humupa ang kagustuhang kumain. —sa panulat ni Airiam Sancho