Hindi na ire-require na magpakita ng negatibong RT-PCR test result ang mga dadalo sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo a-24.
Ito ang nilinaw ni House of Representatives Secretary General Reginald Velasco maliban na lang kung ang bisita ay may sintomas ng virus o hindi bakunado kontra COVID-19.
Ayon kay Velasco, ang pag-aalis ng COVID-19 test requirement ay bilang suporta sa rekomendasyon ni DOH Secretary Ted Herbosa kay PBBM na alisin na ang COVID-19 Public Health Emergency Declaration sa bansa.
Dagdag pa ni Velasco, nag-request na sila sa senado at sa Office of the President para i-finalize ang guest list para sa SONA.
Samantala, mananatiling direktor ng SONA si Presidential Adviser for Creative Communications Paul Soriano. —sa panulat ni Jam Tarrayo, DZME News