dzme1530.ph

Mga buto na nakuha sa sementeryo sa Batangas, nakuhanan ng 3 DNA profile — PNP

Loading

Walang tumugma sa isinagawang DNA cross-matching ng Philippine National Police (PNP) sa mga nahukay na buto sa isang sementeryo sa Batangas, kaugnay ng imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, bagama’t may mga narekober na buto, wala sa mga ito ang tumugma sa 23 DNA samples na hawak ng pulisya mula sa mga kaanak ng missing sabungeros.

Gayunman, iniulat ni Fajardo na may nakuha silang tatlong bagong DNA profiles mula sa mga buto, dalawa rito ay mula sa lalaki, at isa naman sa babae.

Hindi rin isinasantabi ng PNP ang mga nakuhang DNA samples, dahil posible pa itong magamit sa iba pang kaso, gaya ng pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon at iba pa.

About The Author