dzme1530.ph

Mga buntis at nagpapasusong ina, ipinasasama ng Pangulo sa 4Ps

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagsasama sa mga buntis at nagpapasusong ina sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps.)

Sa sectoral meeting sa Malacañang, inaprubahan ng pangulo ang rekomendasyon ng Dep’t of Social Welfare and Development na gawing 4Ps beneficiaries ang pregnant at lactating mothers, upang matiyak na matutugunan ang mga pangangailangang medikal sa first 1,000 days ng bata.

Ito ay magpapataas sa kanilang purchasing power upang maiwasan na rin ang malnutrisyon at stunting o pagiging bansot ng kanilang mga anak.

Kaugnay dito, inatasan ang DSWD at National Economic and Development Authority na tukuyin ang magiging bagong numero ng pinalawak na 4Ps.

Sa ilalim ng kasalukuyang 4Ps, ang mga benepisyaryo ay tumatanggap ng P300 hanggang P750 kada buwan para sa kada bilang ng kanilang mga nag-aaral na anak.

About The Author