dzme1530.ph

Mga bumaliktad na suspek sa Degamo slay case, inalok ng P8-M

Ibinunyag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na inalok umano ng P8-M ang mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at siyam na iba pa.

Ang nasabing halaga ay inalok aniya ng isang abogado ng isa sa mga suspek, upang bawiin ng mga ito ang nauna nilang testimonya hinggil sa partisipasyon sa nasabing pamamaslang at pagturo kay Third District Rep. Arnie Teves Jr. na mastermind sa kaso.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng NBI sina Marvin Miranda, na isa rin sa itinuturo na utak sa krimen; Rogelio Antipolo Jr., Winrich Isturis, Joven Javier, Romel Pattaguan, Eulogio Gonyon Jr., John Louie Gonyon, Jhudiel Rivero, Joric Labrador, Benjie Rodriguez, at Dahniel Lora.

Naniniwala si Remulla na hindi nagustuhan ng korte ang pagbabaliktad ng mga suspek makaraaang ipagpaliban ang pagbasa ng sakdal sa kanila. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author