dzme1530.ph

Mga botanteng Pilipino na tumangkilik sa Lakas-CMD candidates, pinasalamatan ni HS Romualdez

Loading

Nagpasalamat si House Speaker at Lakas-CMD President Martin Romualdez sa lahat ng Pilipinong tumangkilik at bomoto sa mga kandidato ng partido.

Mula Luzon, Visayas at Mindanao nagsipag wagi ang karamihan sa kanilang kandidato sa iba’t ibang posisyon.

Sa internal monitoring system ng partido, may 104 Lakas-CMD representatives ang nagwagi noong Lunes.

Ayon kay Anna Velasco, executive director ng partido, 128 ang kandidato ng Lakas sa pagkakongresista, at 104 ang nanalo.

Nagwagi rin ang 15 gobernador at 22 bise gobernador ng Lakas, 24 city mayors, 23 city vice mayors, at 385 municipal mayors.

Nangako naman si Romualdez na isasabuhay nila ang prinsipyo ng Lakas-CMD na magtrabaho at isulong ang kaginhawahan sa bawat pamilyang Pilipino gaya ng adhikain ni Pang. Ferdinand Marcos, Jr. patungo sa Bagong Pilipinas.

About The Author