dzme1530.ph

Mga botante pinayuhang huwag suportahan ang mga kandidatong pro-China

Loading

Hinikayat ng ilang kongresista ang Filipino electorate o botante, na i-demand sa lahat ng senatoriables ang tunay nilang paninindigan sa isyu ng Chinese incursion sa West Philippine Sea (WPS).

Partikular na tinukoy ni House Asst. Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales ang mga kandidato ni former Pres. Rodrigo Duterte.

Aniya, nakataya sa eleksyon ang soberanya ng Pilipinas dahil mahalaga ang suporta ng Senado sa pagsisikap ng Marcos administration na matamo ang katahimikan at legal rights ng Pilipinas sa WPS.

Simple lang umano ang tanong ng taongbayan, kakampi ba kayo ng Pilipino o kampi kayo sa China.

Para kay Khonghun hindi pwedeng umiwas o magpalusot sa isyung ito dahil ang ‘sovereignty’ ay non-negotiable.

Hindi rin aniya ito usaping pang-partido o panig-panig lang, kaya dapat malinaw sa bawat kandidato sa senado ang kanilang posisyon at kung handa ba silang ipaglaban ang bansa.

Dagdag pa ng kongresista, kung ngayon pa lamang hindi na marinig ang boses nila laban sa pang-aapi ng China sa mga mangingisda at sundalong Pilipino, paano na lang kung sila ay nahalal na.

About The Author