dzme1530.ph

Mga bibiyahe sa Semana Santa, pinayuhang maagang kumuha ng ticket para iwas-abala

Mayroon ng mga bumi-biyahe pauwi ng mga probinsya, halos isang linggo bago ang Semana Santa, upang makaiwas sa siksikan sa mga bus terminal.

Sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX), bagaman madalang pa ang mga pasahero sa ticketing booth ay inaasahang hahaba ang mga pila rito habang papalapit ang Holy Week.

Posibleng tanghali pa lamang ng Miyerkules Santo ay magkakaubusan na ng tickets sa ilang mga ruta, kaya pinapayuhan ang mga biyahero na maagang mag-book ng kanilang biyahe sa pamamagitan ng online o mismong sa terminal.

Kabilang sa mga rutang mabilis maubos ang tickets ay patungong Bicol, Cagayan de Oro, at Davao.

About The Author