dzme1530.ph

Mga benepisyong taglay ng tanglad, alamin!

Ang halamang damo na tanglad o lemon grass sa Ingles ay hindi lamang pampabango sa pagkain.

Ito ay nagtataglay din ng iba’t ibang benepisyo na tiyak na kapaki-pakinabang sa kalusugan ng isang tao tulad ng mga bitamina at mineral na vitamin A at C, folate, magnesium, zinc, phosphorus, at potassium.

Epektibo ang pinakuluang dahon ng tanglad bilang pamuksa sa mga bacteria na sumisira sa daloy ng panunaw sa katawan, maging sa nakararanas ng heartburn, indigestion, at stomach cramps dahil sa taglay nitong antiseptic compound.

Mabisa rin bilang anti-depressant ang tanglad kung saan nagbibigay ito ng calming effect sa mga taong pagod at stress.

Taglay din ang dahon ng tanglad ng anti-inflammatory compound na makatutulong upang mabawasan ang pamamaga na nagdudulot ng pagkirot ng ngipin.

About The Author