Ang puso ng saging ay kilala rin bilang “banana flower”, “banana blossom” o “banana heart”.
Ito ay mayaman sa nutrisyon gaya ng vitamin A, C, B, E, thiamin, niacin, pantothenic acid, calcium, phosphorus, copper, manganese, zinc, protein at carbohydrates.
Natukalasan din na ang puso ng saging ay may antibacterial, antimicrobial, anti-cancer, antiviral, anti-inflammatory at antioxidants properties.
Nakatutulong ang banana blossom upang mapababa ang blood pressure at maiwasan ang hypertension.
Sagana rin ang banana blossom sa iron na nakapagpapataas ng hemoglobin level at mainam para sa taong may anemia.
Taglay rin nito ang potassium na tumutulong upang mapababa ang banta ng kidney stones. —sa panulat ni Airiam Sancho