Ang pakwan o watermelon sa ingles ay sagana sa mga bitamina at mineral na tiyak na may benepisyo sa ating katawan.
Taglay nito ang vitamin A, B5, at C, potassium, fiber, at copper na nakabubuti upang mapalakas ang resistensya.
Ayon sa mga ekperto, mabuti sa puso at ugat ang pagkain ng pakwan dahil ito ay nagpapataas ng arginine, isang amino acid sa ating katawan na tumutulong upang ma-relax ang ugat sa puso at utak.
Nagpapababa rin ito ng presyon ng dugo, nakakapagpabuti ng paningin, gamot sa singaw at bad breath, at mabisang lunas para sa mga taong constipated. —sa panulat ni Airiam Sancho