Nanawagan si House Speaker Martin Romualdez sa mga Pilipino na bigyan pugay ang mga bayani sa paraan ng pagprotekta sa demokrasya, pagtaguyod ng totoong pag-unlad, at pagkakaisa tungo sa adhikain ng Bagong Pilipinas.
Sa mensahe nito sa pagdiriwang ng 127th Independence Day, inihayag ni romualdez na hindi lang ito paggunita sa nakaraan kundi panawagan din para palakasin ang kasalukuyan at tiyakin ang hinaharap.
Pagdidiin ni Romualdez, ang katapangan ng mga bayani noon ang naging pundasyon para matamo ng Pilipinas ang soberanya at demokratikong bansa.
Tiniyak din nito na ang Kamara, na kaniyang pinamumunuan, ay gagampanan ang tungkulin para panatilihin ang mithiin ng ating mga ninuno sa paraan ng batas na nagtataguyod sa demokrasya, proteksyon sa karapatan at pagsusulong ng inklusibong kaunlaran.