dzme1530.ph

Mga batas na magtatatag ng storm-resilient evacuation centers at magpapatupad ng student loan payment moratorium sa panahon ng sakuna, lalagdaan ng Pangulo ngayong Biyernes

Lalagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong araw ng Biyernes ang dalawang batas na magpapalawak ng pagtugon ng gobyerno sa mga kalamidad at sakuna.

Sa seremonya sa Malakanyang ngayong alas-9 ng umaga, pipirmahan ng Pangulo ang ‘Ligtas Pinoy Centers Act’ na magtatatag ng resilient o matitibay na evacuation centers nationwide na hindi kayang patumbahin ng mga bagyo at lindol.

Lalagdaan din ang ‘Student Loan Payment Moratorium During Disaster and Emergency Act’, na magsususpinde sa paghuhulog sa loan ng mga estudyanteng masasalanta ng kalamidad.

Makakasama ni Marcos sa seremonya ang mga lider ng Senado at Kamara, at iba pang opisyal.

Samantala, mamayang alas-10 ng umaga ay ilulunsad din sa malakanyang ang kauna-unahang mobile soil laboratory sa bansa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author