dzme1530.ph

Mga batang lalaki, kalimitang biktima ng mga unreported na sekswal na pang-aabuso

Inihayag ng Council for the Welfare of Children na ang mga batang lalaki ang kalimitang mga biktima ng unreported o mga hindi naire-report na sekswal na pang-aabuso, aktwal man o online.

Ayon kay Council for the Welfare of Children Executive Director Angelo Tapales, ito ay dahil umiiral pa rin ang pamantayan na kapag lalake, hindi dapat iyakin at hindi sumbungero.

Kaugnay dito, hinimok ang publiko na ireport sa Makabata helpline 1383 ang anumang insidente ng sexual abuse sa mga bata, upang kaagad itong maaksyunan.

Samantala, bagamat ang mga batang lalaki ang karaniwang biktima ng unreported cases, lumalabas pa rin sa pag-aaral na 84% ng kabuuang biktima ng online sexual abuse ay mga babae.

42% sa mga ito ay kagagawan ng sariling magulang kung saan sila ang nagsisilbing facilitator o nag-uudyok sa bata sa kalaswaan.

Iginit ni Tapales na kahit ito ay video o larawan lamang, malinaw na krimen pa rin ito na may kaakibat na pananagutan.

About The Author