Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kailanman ay hindi niya aatasan ang mga barko ng Pilipinas na umatras mula sa Scarborough Shoal.
Kasunod ito ng pag-water cannon ng Chinese vessels at tangkang pagtaboy sa mga barko ng Pilipinas palayo sa lugar kaninang umaga.
Binigyang-diin ng pangulo na sa gobyernong ito ay walang puwang ang takot.
Una nang iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na dalawang Chinese ships ang nagbanggaan malapit sa Bajo de Masinloc matapos bombahin ng tubig ang isang barko ng Pilipinas habang hinahabol ang isa pa.
Ayon sa PCG, naglalayag ang BRP Teresa Magbanua, BRP Suluan, MV Pamamalakaya, at tatlumput limang Filipino fishing vessels nang salubungin sila ng mapanganib na maneuvers at harangin ng mga barko ng Tsina.
Sa kabilang banda, natakasan at naiwasan ng PCG crew members ang pag-atake ng Chinese ships, at sa halip ay ang China Coast Guard vessel at People’s Liberation Army Navy ship ang nagsalpukan, 10.5 nautical miles mula sa silangan ng Bajo de Masinloc.