Mga barko ng PCG at BFAR, hinarang ng 2 CCG ships malapit sa Bajo de Masinloc

dzme1530.ph

Mga barko ng PCG at BFAR, hinarang ng 2 CCG ships malapit sa Bajo de Masinloc

Loading

Dalawang barko ng China Coast Guard (CCG) ang humarang dalawang Philippine Coast Guard (PCG) at isang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) vessels.

Ayon kay former US Air Force official at former Defense Attaché Ray Powell, nangyari ang pinakabagong insidente sa pagitan ng mga barko ng Pilipinas at China, kahapon ng umaga, malapit sa Scarborough Shoal.

Sinabi ni Powell sa X (dating Twitter), dalawang barko ng PCG at isang BFAR ship ang idineploy 25-30 nautical miles silangan ng Bajo de Masinloc.

Idinagdag ng maritime expert na hinarang ang BRP Bagacay at BRP Datu Pabuaya ng dalawang CCG vessels, habang ang ikatlo at anim na maritime militia ships ay naka-blocking position.

About The Author