dzme1530.ph

Mga barangay sa Northern Samar, ligtas na mula sa mga rebelde — DILG Sec. Abalos

Idineklara ni Interior Sec. Benhur Abalos na ligtas na mula sa guerilla fronts at communist groups ang lahat ng mga barangay sa Northern Samar.

Sinabi ni Abalos na wala nang impluwensya mula sa mga rebelde ang mga residente sa naturang lalawigan.

Kamakailan ay pinangunahan ng kalihim ang pamamahagi ng mahigit P160,000 ng livelihood at financial assistance sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration (E-CLIP) Program na pinangangasiwaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sa 16 na dating mga rebelde.

Ang mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ay tumanggap ng tig-P15,000 immediate assistance at P50,000 na livelihood assistance.

About The Author