dzme1530.ph

Mga bangkong ginamit ni Alice Guo, paiimbestigahan din

Plano ni Sen. Sherwin Gatchalian na maghain ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang pagtugon ng mga bangko sa pagre-report sa Anti-Money Laundering Council ng mga kahina-hinalang transaksyon.

Ito ay sa gitna ng pag-amin ng senador na nabababagalan at nadidismaya na siya sa AMLC dahil hanggang ngayon ay wala pang naihahaing kaso kaugnay sa pagpasok ng bilyong-bilyong pera na ginamit ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa pagtatayo ng POGO hub.

Sa pagtaya ng senador 2017 pa nagsimulang pumasok ang pondo para sa pagtatayo ng POGO Hub na umabot sa ₱6-B gamit ang mga kumpanya ni Guo.

Subalit hindi ito natunugan ng AMLC sa katwirang walang bangko ang nagrereport ng kahina-hinalang transaksyon.

Alinsunod sa batas, mandato ng mga bangko na ipaalam sa AMLC kung may napapansin silang kahina-hinalang transaksyon ng kanilang mga kliyente tulad ng pagdedeposito ng mahigit sa ₱500,000 subalit hindi maipaliwanag saan nanggaling.

Suballit sa kaso ni Guo, umabot ilang taon ay hindi pa rin matukoy kung saan nanggaling ang bilyong pisong pondo na ipinagpatayo ng POGO hub.

Aalamin din ni Gatchalian kung may pangangailangang amyendahan ang Anti Money Laundering Act upang mas mabilis na makakilos ang AMLC sa mga kahinahinalang transaksyon.

Alinsunod kasi sa batas, kinakailangan munang may predicate crime bago nila busisisin ang bawat account bago maisampa ang kasong money laundering. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author