dzme1530.ph

Mga bahay at pagmamay-ari ni Teves, ni-raid ng PNP-CIDG

Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation And Detection Group (PNP-CIDG) ang mga bahay na pagmamay-ari ni Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr. para maghanap ng loose firearms.  

Kinumpirma ito ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. at sinabing saklaw ng search warrant ang limang tahanan hindi naman lahat ay pagmamay-ari ni Teves.  

Nabatid na inakusahan ni Abalos si Teves na mayroon itong mga armas na may “spurious documents.” 

Kinumpirma rin ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves ang raid subalit hindi pa niya nakikita ang search warrant. 

About The Author