dzme1530.ph

Mga awtoridad, dapat ding tutukan ang iba pang kasabwat ni Alice Guo sa operasyon ng POGO

Kinalampag ni Sen. Sherwin Gatchalian ang mga awtoridad kaugnay sa pagkawala ng iba pang mga kasabwat sa iligal na operasyon ng mga POGO sa Bamban at Porac.

Sinabi ni Gatchalian na hindi lamang ang pamilya Guo ang dapat na tutukan kundi ang iba pang mga nakatakas na personalidad na sangkot sa mga operasyon ng POGO.

Maganda anyang pakinggan na maraming POGO ang na-raid kasabay ng pagappasamalat niya sa pagsasakripisyo ng law enforcement agencies matunton lamang ang kuta ng mga krimen ng POGO.

Ngunit dapat anyang tanggapin na sa kabila ng mga paghahain ng mga kaso kung wala naman ang mga taong inaakusahan ay wala ring saysay ang mga ito.

Batay sa mga dokumento, sinabi ni Gatchalian na marami pang kasabwat si Guo Hua Ping o Alice Guo, sa pagpapatayo ng mga POGO hub.

Kasama rin anya rito ang mga incorporators ng Lucky South 99, Whirlwind Corp., Baofu Land, Zun Yuan at Hongsheng na sa tingin nya ay nakalabas na ng bansa. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author