UMAASA si Senador Risa Hontiveros na maforfeit na sa lalong madaling panahon ang assets ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque at iba pang indibidwal na kinasuhan ng human trafficking ng Department of Justice
Sinabi ni Hontiveros na welcome development ang paghahgain ng kaso na patunay na umugulong na ang hustisya kaugnay sa imbestigasyon sa POGO operations.
Iginiit ng senadora na dapat na magkaroon ng ganap na pananagutan ang mga sangkot sa operasyon ng illegal POGO hub sa Porac Pampanga.
Sa ginawa anyang pagdinig ng senado nalantad ng gabundok na mga ebidensya, mga dokumento, testimonya at hindi maitatanggi na mga link o koneksyon si Roque sa illegal POGO hub.
Ayon kay Hontiveros, lahat ng sangkot sa human trafficking gayundin sa pang to torture at panloloko kaya naisagawa ang illegal na POGO operations ay dapat na managot sa batas