Umabot na sa 62 ang mga aspirante na tumatakbo sa national at local positions na nakapag-rehistro na ng kanilang social media accounts bago ang Halalan 2025.
Inihayag ito ng Comelec sa Ceremonial Signing ng Pledge of Support ng technology companies, gaya ng META, Google, at TikTok, sa 2025 National and Local Elections at Bangsamoro Parliamentary Elections.
Una nang naglabas ang Poll body ng resolusyon na nag-o-obliga sa lahat ng mga kandidato, party-lists, at kanilang campaign teams na i-register ang kanilang official social media accounts, pages, websites, podcasts, vlogs, at iba pang online at internet-based campaign platforms hanggang Dec. 13.
Bahagi ito ng hakbang ng Comelec upang ma-regulate at maiwasan ang maling paggamit ng social media para sa Halalan sa susunod na taon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera