dzme1530.ph

Mga ambulansyang susundo ng pasyente, ipinagbabawal sa EDSA busway

Hindi pinapayagang dumaan sa EDSA busway ang mga ambulansya na walang sakay na pasahero.

Ayon sa MMDA, bawal ang mga ambulansya na gumamit ng special lanes na para lamang sa mga pampasaherong bus, kahit pa magsusundo ang mga ito ng mga pasyenteng nasa emergency cases.

Ginawa ni MMDA Chairman Don Artes ang pahayag, matapos isyuhan ng traffic violation tickets ang apat na ambulansya na walang sakay na pasyente.

Kabilang sa mga naharang dahil sa iligal na paggamit ng EDSA busway kahapon, ay dalawang shuttles ng MMDA, pati mga sasakyan ng PDEA, AFP, at iba pang ahensya ng pamahalaan.

About The Author