dzme1530.ph

Mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga motorsiklo, tumaas noong 2023

Patuloy na dumarami ang bilang ng mga aksidente na kinasasangkutan ng mga motorsiklo sa bansa.

Sa datos ng Road Safety Unit ng Metropolitan Manila Development Authority, umabot sa 31,186 ang motorcycle-related road crash noong nakaraang taon mula sa 25,599 na naiulat noong 2022.

Pumalo naman sa 4,068 ang kabuuang bilang ng aksidenteng sangkot ang mga motor mula January hanggang March ngayong 2024.

About The Author