dzme1530.ph

Solusyon sa matinding traffic sa Metro Manila pinahahanap ng Pangulo

Pinahahanap ng solusyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno, sa matinding traffic sa Metro Manila.

Sa ika-16 na cabinet meeting sa malakanyang, inatasan ang mga ahensya na mangalap pa ng mga datos kung papaano maiibsan ang traffic congestion sa NCR.

Ito ay magiging kaakibat ng pagtutok sa workforce productivity.

Kabilang sa mga present sa meeting ay sina Transportation Sec. Jaime Bautista, Public Works and Highways Sec. Manny Bonoan, Interior Sec. Benhur Abalos, at iba pang kalihim.

Mababatid na nanguna ang Metro Manila sa may pinaka-malalang traffic sa lahat ng metro centers sa mundo noong 2023 batay sa TomTom traffic index.

About The Author