Muling nanawagan si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. sa mga ahensya ng gobyerno partikular sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa paghahanda sa posibleng pananalasa ng La Niña phenomenon.
Sinabi ng chairperson ng Senate Committee on Public Works na bagama’t nagsagawa na sila ng ilang pagdinig sa isyu, kailangang manatiling proactive ang mga ahensya ng gobyerno sa anumang pangyayari at hindi lamang dapat maging reactive.
Ngayon pa lang anya dapat yung mga silted na mga ilog ay hinuhukay na upang mapalalim ang mga ito.
Iginiit pa ng senador na dapat ay natuto na ang bansa at maging proactive at hindi reactive sa mga ganitong weather phenomenon.
Mahalaga aniya na palaging handa at laging isaisip ng mga ahensya na ang ating vulnerability sa mga kalamidad ay palaging maging paalala na dapat handa tayo na harapij ang anumang weather conditions na mararanasan ng bansa.