Iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga ahensya ng gobyerno na dalhin ang Pasko sa mga komunidad na sinalanta ng kalamidad.
Sa kanyang talumpati sa taunang “Balik Sigla, Bigay Saya” gift-giving program sa Malakanyang, inihayag ng Pangulo na naging mahirap ang taon dahil sa tumamang El Niño o matinding tagtuyot na naka-apekto sa agrikultura, na sinundan ng La Niña na may kaakibat na mga bagyo.
Kaugnay dito, iginiit ni Marcos na dapat pa ring gawin ang lahat upang magkaroon pa rin ng “Merry Christmas”.
Hinikayat ang lahat na magdiwang at magsaya ng kahit kaunti kasama ang mga mahal sa buhay, at ipagpatuloy ang tradisyon at naiibang selebrasyon ng Pasko ng mga Pilipino. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News